-- Advertisements --
gas station oil price hike petron shell

Puspusan na ang paghahanda ng Bureau of Customs (BOC) para sa ganap na implementasyon ng fuel-marking program ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sinabi ni Customs Asec. Vincent Maronilla, sa ngayon nasa 71 million liters na ng gasoline, diesel at kerosene ang namarkahan na.

Ayon kay Asec. Maronilla, layunin ng fuel-marking program na ma-monitor ang pagbabayad ng buwis ng oil companies at malabanan ang smuggling ng mga produktong petrolyo.

Inaasahan umanong nasa P27 hanggang P44 billion ang kikitain ng gobyerno dahil sa fuel-marking program.

Umaasa naman ang Customs na makikipagtulungan ang oil companies para mabilis na mamarkahan ang kanilang mga produkto.

Maging si BIR Assistant Commissioner Arnel Guballa ay nanawagan rin sa tax payers na suportahan ang programa para maging matagumpay ang fuel-marking program.