-- Advertisements --
PH shell
IMAGE | Pilipinas Shell, Inc.

Magandang balita ang sasalubong sa mga motoristang bumiyahe nitong Semana Santa.

Ayon kasi sa ilang kompanya ng langis, inaasahang bababa ng bahagya ang presyo ng krudo pagpasok ng ikaapat na linggo ng Abril.

Batay sa fuel forecast ng Unioil, posibleng mag-rollback ng P0.10 ang kanilang diesel kada litro.

Habang walang paggalaw sa presyo ng kanilang gasolina.

https://twitter.com/unioil/status/1119442460541771776

Sa Jetti Petroleum naman, inaasahan ang decrease ng diesel price sa P0.05 hanggang P0.10 per liter.

Samantalang, posibleng maglaro sa P0.05 kada litro ang ibaba ng gasolina.

Sa huling datos ng Department of Energy, naglalaro sa P52.90 hanggang P59.86 ang presyo ngayon ng gasolina kada litro.

Sa diesel naman ay nasa P41.94 hanggang P46.25 kada litro.