-- Advertisements --

Ngayong araw sisimulang ipamahagi ng pamahalaam ang mga subsidy para sa mga corn farmers at fisherfolks na lubhang naapektuhan nag kita nang dahil sa oil price hike.

Sinabi ito ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng anunsyong sa Tacloban city magsisimula ang nasabing rollout sa ilalim naman ng Plant, Plant, Plant program ng administrasyong Duterte.

Nasa P500 milyon ang inilaan ng pamahalaan para sa unang tranche ng fuel subsidy rollout, kung saan inaasahang makatatanggap ng nasa P3,000 ang bawat benepisyaryo nito sa pamamagitan ng kanilang voucher na maaari nilang gamitin sa lahat ng fuel stations na accredited ng gobyerno sa buon bansa.

Inanunsyo din ni Dar na ang isa pang tranche ng naturang ayuda na may nakalaang P600 milyon ay nakatakda namang ilunsad sa Abril.

Ginawa ng kalihim ang anunsyo na ito bilang tugon sa mga mangingisdang napapaulat na pinag-iisipan ang paghinto sa kanilang mga kabuhayan sa gitna ng tumataas na presyo ng langis sa bansa.

Samantala, sinabi rin ni Dar na bukod sa cash subsidies ay magbibigay din ang gobyerno ng ayuda sa mga magsasaka.

Tiniyak niya na binibigyang pansing ng DA ang lahat ng banner programs nito para pataasin pa ang local food production sa gitna ng walang humpay na krisis sa langis at pandemyang kinakaharap ng bansa.