Mauunang makakatanggap ang mga jeepney drivers ng kanilang fuel subsidies.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) representative Joemier Pontawe, nasa 136,000 jeepney drivers ang makakatanggap ng fuel subsidy sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada cards simula ngayong March 15, 2022.
Paliwanag ng opisyal na unang mabibigyan ang mga jeepney drivers dahil naibigay na sa kanila ang kanilang cards para sa fuel subsidy.
Subalit ang ibang mga transport sector gaya ng tricycle na tinatayang nasa 43,000 ay kailangan pang maghintay hanggang sa ikalawang quarter.
Bagamat siniguro naman ng kagawaran na binibilisan na nila ang paglalabas ng fuel subsidy para sa ibang modes of transportation kung saan kinokolekta na rin ang mga bank information ng mga benepisyaryo.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa DILG para sa mga subsidiya ng mga tricycle drivers at sa DTI apara sa mga service delivery drivers.
Maaalalang naglaan ang pamahalaan ng nas P2.5 billon fuel vouchers para sa 377,000 kwalipikadong public utility vehicle drivers sa buong bansa sa gitna ng sunud-sunod na oil price hike.