-- Advertisements --

Target makumpleto sa ikalawang quarter ang distribusyon ng fuel subsidy para sa mga tsuper at operator ng public utility vehicle (PUV), kasama ang mga tricycle driver at mga delivery rider.

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Jesus Ortega, kabuuang 1,026,306 benepisyaryo ang target na mabigyan ng assistance.

Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng memorandum of agreement kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga PUV.

Makakasama naman ng DOTr ang Department of Interior and Local Government (DILG) para distirbusyon ng assistance sa mga tricycle driver at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mga delivery rider.

Sa pamamagitan ng tulong ng DILG, DICT, at LTFRB, inaasahang mapapadali ang pag-verify at pagsasapinal sa account details ng lahat ng mga benepisyaryo.

Ang mahigit isang milyong benepisyaryo ay binubuo ng 286,306 PUV drivers at operators, 600,000 tricycle drivers, at 140,000 delivery service riders.

Makakatanggap ang mga UV Express drivers ng P10,500 bawat isa, habang P5,000 ang nakalaan para sa mga tsuper ng traditional jeep, traditional UV Express, minibus, public utility bus, at Filcab.

Ang mga drivers ng tourist transport services, shuttle services, school transport, TNVS, at taxi ay makakatanggap naman ng tig-P4,500.

Para sa mga tricycle driver, makakatanggap ang mga ito ng tig-P1,100 at P2,500 ang matatanggap ng mga delivery rider.