Sisimulan nang maipamamahagi sa susunod na linggo ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.
Kasunod ito ng ilang linggo nang oil price hike na nararanasan mula sa oil companies.
Sinabi ni Department of Agriculture spokesman Asec. Arnel de Mesa na isinasapinal na lamang nila ang guidelines para maipamahagi ito.
Umaabot sa P3,000 na one time fuel assistance ang matatanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa programa.
Ayon pa sa opisyal, nasa P500 million ang nakalaang budget para sa fuel subsidy ng agriculture sector sa ilalim ng 2025 national budget.
Mahigpit umanong imo-monitor ng kanilang tanggapan ang distribusyon, upang matiyak na hindi masasayang ang naturang alokasyon.
Sa panig naman ng mga magsasaka at mangingisda, sana ay maging mabilis at madali ang proseso para makaagapay ito sa kanilang pangangailangan.