Tinitignan ngayon ng pamahalaan ang posibleng pagtataas pa sa fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) sa Php 2.5 billion hanggang Php5 billion.
Ito ay upang pigilan ang malubhang epekto ng mataas na presyo ng langis nang dahil sa nagaganap na sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, ang unang trance ng nasabing subsidy ay target na ipimahagi ng pamahalaan ngayong Marso, habang sa Abril naman planong ipamahagi ang second tranche nito.
Iminungkahi rin ng mga economic manager na ibaba na ang buong bansa sa Alert Level 1 at buksan na ang lahat ng paaralan sa face-to-face classes upang mapataas pa ang domestic economy ng bansa at muling makabawi ito sa naging epekto ng pandemya.
Itinutulak na rin ng mga ito ang dagdag na fuel vouchers para sa mga agricultural producers sa pamamagitan ng pagtataas ng budget sa Php1.1 billion mula sa dating Php 500million para sa March at April ng taong ito.