-- Advertisements --

Mananatili sa level 4 ang ipinapataw na fuel surcharges sa mga Airline Company ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Civil Aeronotics Board (CAB) na maglalaro na lamang sa P117 haggang P342 ang idadagdag sa pamasahe ng mga pasahero ng domestic flight.

Maglalaro naman sa P385.70 hanggang P2,867.82 ang madaragdag sa pamasahe para sa International Flights depende sa destinasyon.

Magugunitang pumalo sa Level 6 ang Fuel Surcharge na ipinapataw noong Abril habang Level 7 naman noong Marso ng taong kasalukuyan.

Paglilinaw ng CAB na ang ipinapataw na mga fuel surcharges ay dumedepende sa paggalaw ng mga presyuhan ng jet fuel.