-- Advertisements --

Walang magiging pagbabago sa fuel surcharge sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), na ang papanatilihin sa Level 4 ang fuel surcharge.

Ito na ang magkasunod na buwan na parehas ang o hindi nabago ang fuel surcharge.

Nangangahulugan nito na sa susunod na buwan magbabayad ang mga pasahero ng mula P117 hanggang P342 para sa domestic flights at P385.70 hanggang P2,867.82 sa biyahe sa ibang bansa.

Ang mga fuel charges ay dagdag na bayarin para makatulong sa mga airline companies na makabawi ang mga ito sa taas presyo ng krudo.