-- Advertisements --

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa deployment ng mga pulis sa Metro Manila sa paparating na Holy Week.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, mula sa kasalukuyang heightened alert status ay ilalagay na ito sa full alert status sa susunod na linggo.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga tao sa iba’t ibang transport terminals sa Metro Manila kasabay ng Semana Santa.

Magtatalaga rin umano sila ng dagdag na tauhan sa mga bus terminals, train stations, airports, seaports maging sa LRT at MRT stations.

Inaasahan na ang pagbuhos ng mga tao sa naturang mga transport terminals para sa mga uuwi sa iba’t ibang probinsya sa mahal na araw.

Magsisimula ang Holy week sa linggo ng palaspas sa April 14 at matatapos sa April 21.

Sa buong holy week ay kanselado ang lahat ng leave of absence ng mga pulis.