KORONADAL CITY- Itinaas na ng North Cotabato Police Provincial Office sa full alert status ang kanilang pagbabantay sa buong lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay North Cotabato Police Provincial Director Col. Henry Villar, ginawa ang nasabing hakbang kasunod ng pagkakapaslang sa hepe ng Carmen PNP na si PMaj. Joan Resurrecion mula sa heightened alert nang sumiklab ang dalawang pagsabog na naitala sa Jolo, Sulu.
Sa ngayon umano ay may tinitingnan na silang mga persons of interest ngunit hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
Samantala, nakahalf-mast ngayon ang Carmen PNP dahil sa pagkakasawi ni Resurrecion sa nirespondehang robbery-holdup incident sa Sitio Tawan-tawan, Brgy. Poblacion.