Mananatili hanggang mamayang hatinggabi ang full alert status ng Police Regional Office 4-A na una nitong ipinatupad bago pa man ang ikatlong SONA ni PBBM.
Ang naturang rehiyon ay katabi lamang ng National Capital Region na nagpapatupad ng mahigpit na border control kasabay ng Ulat sa Bayan ni Pang. Marcos.
Ayon kay PR04A Regional Director Police BGen. Paul Kenneth Lucas, magkakasama ang pulisya, mga kawani ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at ba pang units na nakadeploy sa mga border control points upang magpatupad ng seguridad.
Hinikayat din ng heneral ang publiko na wala namang mahahalagang lakad ngayong araw na iwasan na munang lumabas upang hindi na sila maabala, lalo at marami aniya ang mga inilatag na checkpoint sa mga pambansang lansangan.
Kasabay nito ay tiniyak din ng heneral ang deployment ng mga pulis sa mga lansangan at iba pang lugar na maraming mga taon. M
ayroon din aniyang mga red team na magmomonitor at mag-supervise sa mga naka-deploy na pulis upang siguruhing ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
Mananatili aniya ang pag-obserba sa maximum tolerance sa anumang scenario na haharapin ng mga pulis.