Mananatili ang full alert status na ipinapatupad ng Philippine National Police hanggang mamayang hating gabi.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, hindi magpapakampante ang PNP sa pagbabantay sa buong seguridad ng Metro Manila, kahit pagkatapos na ng SONA ni PBBM.
Mananatili aniyang magbabantay ang kapulisan sa mga lansangan, habang marami rin ang mananatiling magbabantay sa palibot ng Batasang Pambansa pagkatapos ng SONA.
Noong Biyernes, July 19, ay una nang nagkaroon ng send-off ceremony para sa mga kapulisan.
Noong alas 6 ng umaga ng Sabado ay agad itinaas ang full alert status.
Agad ding na-activate ang Task Force Metro Manila Shield at bumuo ng border control.
Bagaman mayroon nang humigit-kumulang 23,000 na security forces na nakadeploy, tiniyak naman ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na nakahanda pa ang karagdagang mga tropa na ideploy kung kinakailangan.