-- Advertisements --

Gagamitan ng pamahalaan ang full force of the law sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf na pumugot sa ulo ng German Hostage na si Juergen Kanther.

Mararamdaman ng teroristang grupo ang galit ng sambayan sa kanilang brutal na pagpatay sa German hostage sa pamamagitan ng militar.

Ayon kay Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong hindi titigil ang militar hanggat hindi napapanagot sa batas ang teroristang grupo na tinawag pang mga animal.

Sa ngayon nasa 31 captives ang nananatili sa kamay ng Abu Sayyaf na kinabibilangan ng 12 Vietnamese, anim na Pinoy, isang Dutch, pitong Indonesians at limang Malaysians.

Sa ngayon buhos ang tropa ng militar sa probinsya ng Sulu para tugisin ang teroristang grupo.

Aminado si Andolong na kahit buhos ang sundalo sa Sulu may mga factors na nakakaapekto kaya hindi magawang ma rescue ang mga bihag.

Aniya, ilan kasi sa mga kamag anak ay gumagawa din ng paraan para mapalaya ng ligtas ang kanilang mga kaanak.

Gayunman sinabi ni Andolong na nanindigan ang Philippine at German government sa no ransom policy.

Pahayag ni Andolong na ang nasabing grupo ay pera pera lang ang habol at nais makakuha ng recognition sa pamamagitan nf kanilang illegal acts.

Sa kabilang dako para mas maging epekto ang kanilang operasyon mga key AFP commanders ang idineploy sa Sulu na pamilyar sa terrain.