Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang full implementation ng exclusive motorcycle lane na dapat ay sinimulan na ngayong araw.
Simula kasi March 9 hanggang March 18 nakapagtala ng mas mataas na bilang ang mga lumabag sa dry-run na umabot sa 12,370 na motorsiklo at mga private vehicle.
Ayon kay Atty. Melissa Carunungan, ang spokesperson ng Metropolitan Manila Development Authority, isinasa alang alang rin umano ng kanilang ahensya ang mga hinaing ng mga rider lalo na’t isang linggo na ng magsimula ang dry run sa Commonwealth Quezon City. ating pakinggan ang pahayag ni
Samantala, muling ipapatupad ang implementasyon nito sa March 26, upang bigyang daan naman ang pagsasaayos ng mga kalsada o aspalto sa naturang motorcycle lane, nakikipagtulungan na rin ang MMDA sa Department of public works and highways o DPWH para sa mabilisang pagsasaayos ng kalsada.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, kung matuloy mismo ang araw ng full implementation ng Exclusive motorcycle lane sa March 26 doon palang magsisimula ng magmulta ng P500 sa mga lalabag at mahuhuli na hindi sumusunod sa mismong designated lane.
para sa bombo network news, bombo chill emprido naguulat para sa no. 1 and most trusted radio network