CENTRAL MINDANAO – Hinatid na sa kanyang huling hantungan ang mamamahayag na si Eduardo “Ed”Dizon sa Cotabato Memorial Park.
Matatandaan na noong Hulyo 10 ng gabi habang lulan ang biktima sa kanyang kotse papauwi na sa kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang 9mm pistol.
Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan si Dizon kaya agad itong binawian ng buhay.
Tatlong mga suspek na ang iniimbestigahan ng Special Investigation Team ng pulisya na posibling may kinalaman sa pagpaslang sa biktima naging kritikal sa mga isyo nito sa kanyang programa dahil sa pagbatikos sa mga investment scheme at ibang anomalya sa gobyerno.
Binigyan ng military honors ang libing ni Dizon dahil dati itong Municipal Councilor sa bayan ng Makilala Cotabato at Army Reservist.
Bumuhos naman ang mga nakiki-dalamhati sa libing ni Dizon,mga kaibigan,kasamahan sa trabaho,mga tagasuporta sa kanyang programa at iba pa.
Hiling ngayon ng pamilya ng biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte na agad mapanagot sa batas ang mga taong sangkot sa pagpaslang sa Mamamahayag.