-- Advertisements --

Nanawagan ang mga opposition na party officials sa India na dapat magpatupad ang kanilang gobyerno ng full national lockdown.

Ito ay matapos na pumalo na sa 20 milyon na kaso ang naitala sa India.

Ayon kay Rahul Gandhi ang congress leader na ito ang nakikitang solusyon para tuluyan ng matigil ang pagkalat ng virus.

Hindi naman pumapayag ang gobyerno ng India dahil labis na maaapektuhan ang kanilang ekonomiya.

Nitong Martes lamang kasi ay nagtala ang India ng 355,000 na kaso ng COVID-19 sa isang araw lamang.