-- Advertisements --

Posibleng maibalik mula dalawa hanggang tatlong buwan ang full operation ang LRT 2 matapos ang maganap na pagkasira ng rectifier.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), sa naging pakikipag-ugnayan nila sa kanilang engineering ay malaki ang posiblidad na ito ay maibabalik ng hanggang tatlong buwan.

Nilinaw naman ni LRTA spokesman Hernando Cabrera na magdedepende pa rin ito sa resulta ng kanilang assesment.

Naniniwala din ito na posibleng tinamaan ng kidlat ang LRT2 na nagbunsod sa pagkasunog ng kanilang rectifier.