BAGUIO CITY – Puntirya ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na matapos o makompleto ang pagbakuna sa lahat ng personnel ng organisasyon laban sa COVID-19 sa katapusan ng kasalukuyang buwan o sa August 31.
Inihayag ito ni PNP chief General Guillermo Eleazar kasabay ng kanyang pagbisita sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa kanya, mahalaga na mabakunahan ang mga pulis para maprotektahan ang mga ito laban sa COVID-19 lalo na at nakapasok na ang Delta variant dito sa bansa.
Batay sa rekord, higit na sa 79,000 o katumbas ng 36% mula sa total population ng PNP ang nakakompleto ng kanilang bakuna habang higit 93,000 o katumbas ng 42% ang nakatanggap ng first dose lamang.
Sa rehion Cordillera, 33% sa total population ng PROCOR ang nakakompleto ng bakuna kontra COVID-19 habang 48% ang nakatanggap ng kanilang first dose.
Una na ring ipinaliwanag ni Gen. Eleazar na kailangang unahin muna ang mga police personnel sa NCR dahil sa pagiging epicenter ng rehion sa COVID-19.