-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aabot sa kalahating milyong piso ang halaga ng mga 2,500 na fully grown marijuana ang sinira ng mga otoridad sa Mt. Pey-asan, Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Vigan kay PLt. Jerry Arzabal, hepe ng Sugpon PNP, isang concerned citizen ang agad na nagsumbong sa mga otoridad na may nagtatanim ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad namang tinungo ng mga pulis.

400 square meter ang lawak ng lupa kung saan nakatanim ang binunot at sinunog nilang marijuana.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng mga otoridad kung sino ang cultivator nito dahil agad itong nakatakas nang mapansin umano nitong paparating ang mga otoridad kaya naman patuloy pa rin itong pinaghahanap.