-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang arsobispo ng Archdiocese of Jaro na si Most Rev. Jose Romeo Lazo, D.D.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Father Angelo Colada, director ng Commission on Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19 si Rev. Lazo, naka-admit sa ospital ngunit nasa stable na ring kondisyon.
Ayon kay Colada, 14 ang close contact ng arsobispo at positibo rin sa COVID-19 ang driver nito.
Sa ngayon naka-lockdown ang archbishop’s residence para disinfection.
Napag-alamang fully vaccinated laban sa COVID-19 si Most Rev. Lazo.