-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapagaling pa sa ospital si Janiuay, Iloilo Mayor Bienvenido Margarico matapos nagpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Margarico, sinabi nito na posibleng nahawaan siya ng virus dahil sa kanyang trabaho bilang alkalde kung saan madalas itong humaharap sa maraming tao.

Ayon sa alkalde, matapos nakaranas ng sintomas,kaagad siyang sumailalim sa RT-PCR test at nakumpirma na nagpositibo siya sa COVID-19.

Isinailalim rin sa swab test ang mga nakaclose contact ng alkalde.

Sa ngayon nakalockdown ang Mayors office sa bayan ng Janiuay, Iloilo.

Napag-alaman na fully vaccinated na ang opisyal.