-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa halos 1-milyong Pilipino ang “fully vaccinated” o tapos nang makatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ang inamin ng Department of Health (DOH) matapos ang higit dalawang rollout ng bansa sa coronavirus vaccines.

“Sa ngayon mayroon na tayong 4-million doses ng COVID-19 vaccine naibigay na sa ating mga kababayan sa buong bansa,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“Out of this we have around 950,000 individuals who have been fully vaccinated already.”

Mula sa nasabing bilang, 0.12% lang daw ang nakaranas ng “seryosong” side effect.

Habang 1.10% ang nakaramdam ng “non-serious” side effect.

“Base sa National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC), wala pa tayong nakikita na directly cause ng vaccine itong mga serious at non-serious events na ito.

Sinisikap na raw ng pamahalaan na pataasin ang antas ng COVID-19 vaccination sa bansa.

Sa ngayon daw kasi, umaabot na ng higit 160,000 indibidwal ang nababakunahan laban sa coronavirus kada araw.