Inanunsiyo ngayong araw ng Department of Tourism (DOT) na nakatakdang payagan na ang pagpasok ng fully vaccinated na mga turista mula sa mga green countries o nasa low risk ng COVID-19.
Ang naturang hakbang ay kasunod na rin ng inilabas na approved guidelines mula sa Inter-agency Task force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon sa DOT, naatasan ang Special Technical Working Group na bumuo ng naturang guidelines para sa pinal na approval ng IATF.
Kasalukuyan ding isinusulong ng DOT ang panibagong proposal na tinatawag na Vaccinated Travel lanes o bubbles.
Ito ay isang special program para sa mga bakunadong turista na magmumula naman sa mga yellow countries na itinuturing na nasa moderate risk para sa COVID-19 na maaaring payagang makapasok sa bansa sa ilalim ng ilang kondisyon at restrictions.