-- Advertisements --
image 504

Posible raw na masundan pa ang Fun Run at Serbisyo Caravan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasunod ng pagsasagawa ng aktibidad kahapon sa isang Complex sa Pasay City.

Ang fun run ay pinangunahan mismo ni Interior Secretary Benhur Abalos na tinawag na “Bida Bayanihan Ng Mamamayan Fun Run.”

Pangunahing layunin nito ay para masugpo ang paggamit ng iligal na droga sa mga komunidad sa buong Pilipinas.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, matagumpay ang isinagawang Fun Run na dinaluhan ng 15,000 nating kababayan sumusuporta kontra sa iligal na droga.

Aniya base sa survey nasa isang milyong Pilipino ang gumagamit ng droga ngunit kaya itong sugpuin kung magkakaisa ang lahat sapagkat iba ang espiritu ng bayanihan ng mga Pilipino.

Galing sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang mga nakilahok.

Panauhin ang mga tiktok personality gaya nina Kim Rodriguez at Ashley Rimadure na game na game sa Fun Run.

Tampok din sa aktibidad na Serbisyo Caravan ang iba pang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng PhilHealth, Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Agriculture (DA) na naglagay ng Kadiwa booth na dinayo ng ating mga kababayan dahil sa sobrang mura ng bilihin.