Sinimulan na ng Philippine National Police-Directorate for Investigation and Detection Management (PNP-DIDM) ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y anomalya sa pondo ng Firearms and Explosive Office (FEO) partikular sa Licensing Department nito.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, may report siyang natanggap kaya dapat lamang maimbestigahan ang isyu na kanyang iniatas sa DIDM para mabatid ang katotohanan.
Giit ng PNP chief, ayaw niyang akusahan ang hepe ng PNP-FEO na si C/Supt. Valeriano De Leon ukol sa nangyaring anomalya.
Pero iniulat ng PNP Comptrollership na masyadong mababa ang collection ng FEO Licensing department.
“Hindi naman natin ina accuse or even the head. I personally know si CSupt. Val De Leon snappy yan,” pahayag ni Albayalde.
Tumanggi naman magbigay ng komento si De Leon kaugnay sa isyu dahil ongoing na ang imbestigasyon ng DIDM.