-- Advertisements --

Nagtulong-tulong ang mga sikat na mga musicians at mga Bollywood stars sa pangangalap ng pondo para tulungan ang India na labis na dinapuan ng COVID-19.

Ang virtual fundraising event na pinamagatang “We For India: Saving Lives” ay gaganapin sa Agosto 15 na sabay na ipapalabas sa London at sa Mumbai.

Mapapanood ang tatlong oras na palabas sa Facebook.

Ilan sa mga inimbitahang magtanghal ay sina Annie Lennox, Ed Sheeran, Mick Jagger, Nile Rodger at mga sikat na Bollywood star.

Mapupunta ang kikitain sa concert sa mga pagamutan at pambili ng mga medical oxygen at mga gamot.

Isa ang India na labis na tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.