LEGAZPI CITY – Muling nagpaliwanag ang pagiging epektibo na nang dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa buwan ng Abril.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi
kay Jeanette Mapa, tagapagsalita ng SSS Legazpi Branch, mula sa dating
11 percent, magiging 12 percent na ang buwanang kontribusyon ng SSS
members ito ay kaugnay sa umiiral na Republic Act 11199 o ang Social
Security Act of 2018.
Ayon kay Mapa, nilalayon ng naturang
hakbang na mapalakas ang fundlife ng SSS na una nang pinangambahang
malulugi pagdating ng taong 2026.
Kaugnay nito, nagdagdag naman
ang ahensya ng unemployment benefit kung saan sa loob ng dalawang buwan
makakatanggap ng 50 percent na buwanang sweldo ang mga empleyado na
matatanggal sa trabaho.
Samantala, inabisuhan rin ng opisyal ang
mga employers na hindi nakakapagbayad ng kontribusyon ng kanilang mga
empleyado na i-settle na ang mga accounts upang hindi mabigyan ng multa.