-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit $1.3 million ang nalikom na pondo par sa fundraising na inilunsad para sa anim na taong gulang na anak ng black-American na si George Floyd na nasawi sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Sa pamamagitang GoFundMe page, ay unang naglalayon na makalikom ng $1.5 million para kay Gianna Floyd.

Inorganisa ng Stewart Trial Attorneys, ang legal counsel ng pamilya, ang nasabing fundraising activities.

Tanging ang nasawing 46-anyos na si Floyd kasi ang bumubuhay sa kaniyang pamilya kaya mula ng namatay ito ay problema na ang mg ito sa pera.

Sinabi naman ng asawa ni Floyd na si Roxie na gagamitin nila ang pera para sa pag-aaral ni Gianna ganun para sa mga gastusin sa pagpunta sa korte para dumalo sa pagdinig sa kasong isinampa sa apat na kapulisan.