-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Malabo pa ring makapagtipon-tipon dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga miyembro ng Ben and Ben.

Naging problema na ito ng tinaguriang Philippine’s highest-streaming band para makalikha ng kanta at makapaghanda sa kanilang mga online concerts kaya gumawa nalang ng kanya-kangyang recording studio gamit ang kanilang mga cabinet.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa Ben and Ben, hindi naging madali ang kanilang siwatsyon kaya masaya silang nakakapag-adopt sa bagong paraan ng komunikasyon para mag-practice silang siyam at tagumpay din sa kanilang charity online concerts.

Masaya silang nakalikom ng pondo ng at naibigay na ang mga personal protective equipment, texting kits at relief goods, para sa mga frontliner at iba pang apektado ng COVID-19.

Patuloy ang Ben and Ben sa paglikha ng mga bagong kanta kasunod ng “Doors” at “Sa Susunod Na Habang-Buhay” na saktong nailabas sa kasagsagan ng pandemic dahil naaayon ang mensahe nito sa kasalokuyang pinagdadaanan ng lahat.

Aabangan din umano ang mga bagong kantang ilalabas na siyang kinasasabikan na nilang iparinig sa mga fans.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila at tinatangkilik ng henerasyon ngayon ay ang “Kathang isip,” “Pagtingin,” “Susi,” “Maybe the Night” at marami pa na nakipagsabayan din sa Perfect 10 countdown ng Star FM.