LAS VEGAS – Kampante at preparado na umano ng husto si former WBA, IBF, IBO at WBO champion Tyson Fury sa rematch ngayong Linggo laban sa American unbeaten WBC heavyweight champion na si Deontay Wilder.
Sa panayam ni Doc John Melo sa coach ni Fury na si Sugarhill Steward mula sa Las Vegas, target daw ng kanyang alaga na ma-knockout si Wilder (42-0-1, 41 KOs).
Aniya, lahat ng dapat na gawin at diskarte ay pinag-aralan nila ng husto para sa pinakakaabangang laban ng taon.
“Everthing is being taken cared off. We are both relax. We cant wait, we’re going for the knockout,” ani Steward.
Para sa kampo ni Tyson (29-0-1, 20 KOs) hindi umano nila palalagpasin ang pagkakataong ito na dungisan ang record ni ng American boxer.
Una nang nagyabang si Jay Deas, ang co-trainer and co-manager, na hindi basta-basta padadaig si Wilder dahil sa mataas ang IQ nito nito pagdating sa itaas ng ring.
Samantala sa ginanap na pagtimbang, mas mabigat si Fury sa 273 pounds habang si Wilder ay nasa 231 pounds.
Halos mapuno ng mga fans ang MGM Grand kahit bukas pa ang laban dahil sa pag-aabang sa dalawang mahigpit na magkaribal.
Itataya ni Wilder ang kanyang WBC belt laban sa English challenger kung saan sa una nilang laban noong December 2018 sa Staples Center sa Los Angeles ay nauwi sa controversial draw.