-- Advertisements --
Ibinunyag ni WBC heavyweight boxer Tyson Fury na nakatanggap ito ng tawag at inalok na makaharap si legendary boxer Mike Tyson.
Kuwento nito na, nais niyang makaharap sa exhibition fight ang nasabing dating heavyweight boxer.
Nagdadalawang isip lamang ito kung talagang matutuloy ang laban nito sa nasabing boksingero.
Magugunitang nagpahayag ng pagbabalik ang 53-anyos na si Tyson kung saan ilang mga boksingero ang nagpahayag ng interest na makaharap ito sa charity boxing para makatulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.