-- Advertisements --
Kinansela ang pangatlong paghaharap nina Tyson Fury at Deontay Wilder sa darating na Hulyo 24 sa Las Vegas.
Ito ay dahil sa nagpositibo sa COVID-19 si Fury.
Dahil sa pangyayari ay gagawin na lamang ang laban ng dalawa sa buwan ng Oktubre.
Labis naman ang pagkadismaya ng kampo ng dalawang boksingero at maging ang World Boxing Council dahil sa pangyayari.
Sa unang paghaharap ng dalawa nagtapos sa draw ang laban.
Pagkatapos ng 14 na buwan ay tinalo ni Fury si Wilder para maging WBC Champion noong Pebrero 2020.