Inaabangan ngayon ng mundo ng boxing ang magaganap na big fight sa Linggo sa Las Vegas, Nevada sa pagitan ng wala pang mga talo
na mga heavyweight boxers.
Nakatakdang idepensa ng Briton na si Tyson Fury (28-0-1, 20 KOs) ang kanyang unbeaten record na 28 fights laban sa wala pa ring talo na si Otto Wallin (20-0, 13 KOs).
Ayon sa Swedish 6-foot-5½ , 230-pounder southpaw na si Wallin, kapag na-upset niya si Fury lalong aangat ang boxing sa kanilang bansa dahil hindi ito masyadong kilala na sports.
Ipinagmalaki pa ni Wallin na kikilalanin siyang legend kung manalo sa kanilang pagtutuos sa T-Mobile Arena ng kampeon na si Fury.
“Winning would be huge. It would make me a legend in Sweden,” ani Wallin, 28.
Sinabi ng ilang mga analyst kung sakaling masilat ni Wallin, si Fury, 31, maihahalintulad daw ito sa nakakagulat na panalo ni Andy Ruiz Jr. nang ma-knockout ang kampeon na si Anthony Joshua noong June 1 para makuha ang lahat na tatlong belt.
Para naman kay Tyson hindi niya masyadong kilala si Otto, pero bibigyan niya ito ng magandang laban.
“I don’t know much about Otto, to be fair, and sometimes that’s a good thing. When the unknown is there, it’s a little more exciting, isn’t it?”