-- Advertisements --

Muling nag-usap ang Japan at Philippine Coast Guard para sa mga karagdagang kolaborasyon sa hinaharap.

Una rito ay bumisita ang mga personnel ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Japan Coast Guard (JCG) Maritime Security Law Enforcement Command (MARSLEC) Headquarters sa Taguig.

Ang Japan contingent ay pinangunahan ni Mr. Koji Tsuchiya, ang nagsisilbing Senior Advisor of the Infrastructure Management Department ng JICA.

Dito ay napag-usapan ang iba’t-ibang education at training exercise para sa dalawang coast guard, kasama ang mga personnel ng MARSLEC.

Idinetalye rin ng JICA ang mga proyektong isasagawa nito sa Pilipinas, bilang tulong para mapataas ang kapabilidad ng Phil Coast Guard. Ang mga ito ay naka-programa mula 2025 hanggang 2028.