Binalaan ng mga pinuno ng Group of Seven industrialized nations ang Russia hinggil sa plano nitong paggamit ng chemical o nuclear weapon laban sa Ukraine.
Mariing tinuligsa ng G7 ang malisyono at walang batayang pagsalakay at disinformation ng Russia laban sa Ukraine.
Binalaan din nila ang Moscow na iwasan ang sakuna dahil ang pagsalakay nito ay naglalagay ng panganib sa mga nuclear sites sa Ukraine.
Samantala, sa bukod na pahayag naman ay binalaan din ni German Chancellor Olaf Scholz ang Russia na huwag na nitong ituloy ang planong paggamit ng chemical weaposn dahil magiging paglabag daw ito sa lahat ng mga patakaran, kasunduan, at sa lahat ng mga umiiral na conventions.
Hindi rin nito pinaniwalaan ang naging alegasyon ni Russian President Vladimir Putin na gumagawa umano ng mga chemical o biological weapon ang Ukraine, gayundin ang demand ni Putin na pagbayarin para sa Russian gas sa rubles ang mga “unfriendly” countries.