-- Advertisements --
G Dragon
G-Dragon

Nagbunyi ang mga fans sa South Korea, dahil nagtapos na rin ngayong araw ang military service ng isa sa sikat na K-pop member na si G-Dragon.

Inabot din ng isang taon at kalahati o 20 buwan ang itinagal sa military service ni G-Dragon, na batay sa kanilang batas ay lahat ng mga lalaki sa South Korea ay mandatory na pumasok sa militar.

Sa paglabas ni G-Dragon sa Army headquarters sa Yongin, na nasa bahagi ng southeast ng Seoul, South Korea ay kanyang idineklara na tapos na ang kanyang pagiging sundalo.

Marami namang fans ang nag-abang sa kampo militar sa paglabas ni G-Dragon na ang tunay na pangalan ay Kwon Ji-yong na nakasuot pa ng military uniform.

Ang 31-anyos na si G-Dragon ay miyembro ng K-pop group na “Big Bang.”

Ang kanilang 2015 hit song na “Bang, Bang, Bang,” ay kadalasan ay pinapatugtog ng South Korean military sa boundary nila ng North Korea o ang tinatawag na Demilitarized Zone (DMZ) upang kantiyawan ang katabing kumunistang bansa.