-- Advertisements --

Makikipagkita si Indonesian President at G20 chair Joko Widodo kina Russian President Volodymyr Zelensky at Russian President Vladimir Putin ngayong buwan upang talakayin ang economic at humanitarian crisis bunsod ng invasion ng Russia sa Ukraine.

Ayon sa Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, bibisita si President Widodo sa Kyiv at Moscow matapos na irepresenta ang Indonesia bilang guest country sa G7 summit sa Germany noong June 26 at 27 na siyang kauna-unahang Asian leader na bibisita sa parehong bansa simula ng sumiklab ang giyera.

Hindi na ibinahagi ni Marsudi ang petsa ng pakikipagpulong ng pangulo ng Indonesia sa pangulo ng Ukraine at Russia subalit ayon sa security minister Mahfud MD, makikipagkita si Widodo kay Russian President Putin sa Hunyo 30.

Ang Indonesia ay naninindigan sa neutral position nito sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at isa sa nananawagan din ng mapayapang resolusyon sa conflict sa pagitan ng dalawang bansa.