-- Advertisements --
Aminado ang mga G20 finance ministers na pinigil ng mga bagong variant ng COVID-19 ang economic recovery.
Ayon sa grupo na dahil sa pagkalat ng bagong variant gaya ng Delta variant ay nagkukumahog pa ang mga bansa para ito ay tuluyang mapigil.
Dahil aniya sa nasabing paglutang ng mga bagong variant ay hindi na nakabalik ng mabilis sa normal ang pamumuhay ng mga tao.
Tiniyak naman ng European Union na mayroong silang 500 milyon doses na COVID-19 vaccine ang darating sa mga susunod na araw.
Pumirma na rin ng kasunduan ang bansang Senegal, EU, US at ilang European government para bumili ng mga bakuna na ipamimigay sa West African State.