Dapat umanong siguruhin ng mga bansang kasali sa G20 na mababakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang 70 percent ng global population sa kalagitnaan ng taong 2022.
Ayon kay Italian Prime Minister Mario Draghi, sa ngayon ay malapit na raw makamit ang target ng World Health Organization (WHO) na mabakunahan ang 40 percent ng buong populasyon sa buong mundo sa katapusan ng 2021.
Kaya naman, dapat ay gawin daw lahat ng lahat ng mga bansang kasali sa G20 ang kanilang makakaya para maabot ang 70 percent sa mid-2022.
Ang pahayag ni Draghi ay bahagi nang pagsisimula ng dalawang araw na summit sa Rome ng mga world leaders.
Inaasahang pag-uusapan naman sa naturang summit kung paano masolusyunan ang COVID-19 pandemic maging ang isyu sa climate change at banta sa global economic recovery.
“These differences are morally unacceptable, and undermine the global recovery,” ani Draghi.
Noong Biyernes, nag-usap-usap din ang G20 finance at health ministers at napag-usapan din ang planong pagbabakuna sa 70 percent ng world population sa kalagitnaan ng taong 2022. (AFP)