Inanunsyo ni US President Donald Trump ang tuluyang pag-atras nito sa muling pagpataw ng dagdag buwis para sa mga produkto ng China.
Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Trump at Chinese President Xi Jinping nang makapagpulong ang dalawa sa katatapos lamang na Group of 20 summit sa Osaka, Japan.
Ayon kay Trump, naging maganda umano ang usapan nilang dalawa ng Chinese president.
Kamakailan lamang nang magbanta si Trump na papatawan nito ng dagdag $300bn o higit kumulang P160 trillion pesos sa mga produkto ng China na iniaangkat sa Estados Unidos.
Samantala, hindi naman daw ikasasama ng loob ni President Trump kung sakaling hindi sumipot si North Korean leader Kim Jong Un sa kaniyang imbitasyon.
Una rito ay inihayag ni Trump ang pagnanais niya na makipag shake hands kay Kim sa demilitarized zone o DMZ na naghihiwalay sa North at South Korea.
Nakatakdang lumipad patungong South Korea si President Trump ngayong hapon upang makipagpulong kay South Korean President Moon Jae-In.