-- Advertisements --

CARRIS BAY, UK – Pinagtibay na ng mga lider ng G7 countries ang kanilang infrastructure plan na ipangtatapat sa “Belt and Road Initiative” ng China.

Kabilang sa G7 countries ang Amerika, Canada, United Kingdom, Japan, Germany, Italy, at France.

Ayon sa White House, layunin ng plano na magkaroon ng “values-driven, high-standard and transparent” partnership sa pagitan ng G7 states at mahihirap na bansa.

Kamakailan nang makipagpulong si US President Joe Bidn sa mga lider ng G7-member countries.

Pinag-usapan nila kung makakabuo ng konkretong aksyon para makatulong sa pangangailangan imprastuktura ng mahihirap na estado.

Inuulan ng batikos ang Belt and Road Initiative ng China dahil nilulubog daw nito sa utang ang mga maliliit na bansa.

Kabilang ang Pilipinas sa mga partner ng Beijing sa nasabing programa.

Hango sa “Build Back Better World” (B3W) ng Estados Unidos ang infrastructure plan na pinagtibay ng G7.

“B3W will collectively catalyze hundreds of billions of dollars of infrastructure investment for low- and middle-income countries in the coming years,” ayon sa White House.

Tiniyak ng Amerika na ikokonsidera ng G7 initiative ang “environment and climate, labor safeguards, transparency, and anti-corruption” sa mga proyekto.

Bagamat miyembro ng G7, isa ang Italy sa mga bansa na unang pumirma sa Belt and Road Initiative.