-- Advertisements --
Nagkasundo ang Group of 7 na mga bansa na magbigay ng $50 bilyon pondo para sa Ukraine.
Ayon kay Italian Prime Minister Giorgia Meloni na ang pera ay manggagaling sa mga iba’t-ibang frozen assets ng Russia.
Kinumpirma rin ni French President Emmanuel Macron ang naganap na political agreement na magbibigay sila ng dagdag na financial support sa Ukraine.
Kasalukuyang ginaganap ang G7 summit mula Hunyo 13 hanggang 15 sa Apulia, Italy kung saan ilan sa mga tinalakay nila ay ang mga giyera sa Ukraine at Gaza ganun ang kahirapan sa Africa, migration, economic, security at ang international cooperation laban sa artificial intelligence.