Nagkaisa rin ang Group of Seven industrialized nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia.
Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito.
Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbabawal ang anumang bagong investments sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya ng Russia, kabilang na ang energy sector.
Bukod dito ay palalawigin rin ang export ban sa ilang mga produkto ng Russia, at hihigpitan din ang mga restriksyon na ipinapatupad sa mga Russian banks at state-owned companies.
Target din ng G7 nations na pahinain ang kakayahan ng defense sector ng Russia na ipagpatuloy ang ginagawang digmaan ng Russian military, at gayundin din ang pagpapataw ng parusa sa mga miyembro ng pamilya ng matataas na opisyal ng nasabing bansa na sumusuporta sa ginagawang aksyon ni Russian President Vladimir Putin.
Minamadali na rin nila ang pag-aalis ng kanilang dependency sa Russian oil, lalo na’t kabilang ito sa mga ban na ipatutupad nila upang gipitin ang nasabing bansa.