Pinuna ng Group of Seven (G7) ang China kaugnay sa militarisasyon at aktibidad ng panggigipit nito sa pinagtatalunang karagatan kabilang na ang West Philippine Sea.
Sa inilabas na joint communiqué ng G7, tinutulan din ng foreign ministers ang mapanganib na paggamit ng China Coast Guard at maritime militia ng water cannon at maniobra laban sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal.
Nagpahayag din ang grupo ng seryosong pagkabahala at mariing pagtutol sa anumang unilateral attempts para baguhin ang status quo ng pwersahan o sapilitan.
Iginiit din ng grupo na walang legal na basehan ang malawakang maritime claims ng China sa disputed water at pinagtibay ang kanilang suporta para sa 2016 Arbitral Award na pumabor sa PH at nagpapawalang bisa sa nine-dash line ng China.
Ang G7 ay binubuo ng mga bansang maimpluwensiya at may advanced economies kabilang ang Canada, France, US, Germany, Italy, Japan at UK.