-- Advertisements --

Inanunsiyo na ni US President Donald Trump kung saan gaganapin ang susunod na G7 summit.

Ayon sa US President gaganapin ito sa Camp David ang presidential retreat sa Maryland.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa pagdalo niya sa NATO summit sa London.

Dadag pa nito na may mga espesyal na gawain silang itinakda sa nasabing summit.

Magugunitang noong Oktubre ay inanunsiyo ni acting chief of staff Mick Mulvaney na gaganapin ang summit sa Trump National Doral Resort malapit sa Miami.

Matapos ang 48 oras ay binaligtad nito ang desisyon dahil sa akusasyon n pagkakakitaan nito ang nasabing pagpupulong.