Nagsimula na ang Great Seven o G7 Summit ang samahan ng mga pitong bansang may malaking ekonomiya na ginanap sa Cornwall, England.
Bilang host country, sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na kailangan ng mundo na makabangon muli mula sa COVID-19 pandemic.
Kailangan din nilang tiyakin na hindi na mauulit pa ang nangyaring pagkakamali 2008 financial crisis.
Inanunsiyo rin ng United Kingdom government na magbibigay sila ng £430-M o katumbas ng mahigit $606-M para sa pagtulong sa Global Partnership for Education na ilalaan sa mga mahihirap na bata.
Ito ang kauna-unahang face-to-face summit ng G7 kung saan kasama rin na dumalo sa pagpupulong sina European President Ursula von der Leyen at European Council president Charles Michel.
Nakipagkita rin ang mga world leaders kina Queen Elizabeth II at Prince of Wales, The Duchess of Cornwall at ang Duke and Duchess of Cambridge.