-- Advertisements --

Sinisimulan nang ligawan ni US President Donald Trump ang iba’t ibang pinuno na kasapi ng Group of Seven major economies upang muling buhayin ang face-to-face meeting.

Gaganapin sana sa Camp David sa buwan ng Hunyo ang G7 summit ngayong taon ngunit suhestyon ni Trump na magsagawa na lamang ng video conference dahil sa coronavirus outbreak.

“I am considering rescheduling the G-7, on the same or similar date,” saad ni Trump sa kaniyang tweet.

“The other members are also beginning their COMEBACK. It would be a great sign to all – normalization!”

Inihayag ng American president ang posibilidad na maaaring matuloy ang summit sa Camp David tulad ng orihinal na plano.

Layunin umano ni Trump na iparating sa buong mundo ang muling pagbabalik ng normal na buhay sa Amerika at kaya na nitong magsagawa muli ng major international events.

Umaasa naman ito na maiintindihan ng mga international leaders ang kaniyang naging desisyon na pansamantalang putulin ang pagbibigay ng pondo sa World Health Organization.