Ikinagulat ni US President Donald Trump
Bago ito ay nakipagkita muna si Zarif kay French President Emmanuel Macron upang talakayin kung ano ang mga kondisyon hinggil sa tuluyang de-escalation ng tensyon sa pagitan ng Tehran at Washington.
Layunin ng naturang imbitasyon ni Macron kay Zarif ang hikayatin umano si Trump na tanggalin na ang ipinataw nitong sanction sa oil sales ng China at India.
Tutol pa rin naman ang France, Germany, UK, at China sa ginawang pag-atras ng US sa 2015 nuclear deal nito kasama ang Russia.
Kung matatandaan, nais ni Trump na pilitin ang Iran sa bagong negosasyon hinggil sa ballistic missile programme at pagbibigay suporta sa kanilang regional armed groups. Ngunit tumanggi dito ang Iran at sinabing hindi umano nila mapagkakatiwalaan ang Washington.
Noong Hulyo, pinatawan ng sanction ang lahat ng pagmamay-ari ni Zarif sa US. Sa kabila nito ay iginiit ng Iranian top diplomat na wala siyang kahit anong properties sa Estados Unidos.
Ayon sa isang opsiyal ng US, malinaw umano itong mensahe sa Iran kasabay ng mas lalong lumalalang tensyon sa Strait of Hormuz.