Usap-usapan ng marami kung gaano ba kayaman ang bagong hari ng Britanya at gaano kalaking halaga ang ipinamana ng yumanong si Queen Elizabeth II kay King Charles III.
Mula noong nakalipas na linggo ay minana nga ni Charles ang trono sa pamumuno sa United Kingdom.
Pero bago pa man siya naging hari ginugol niya ang halos kalahating siglo upang makamit ang kanyang mga ari-arian na naging dahilan upang maituring siya na isa sa pinakamayamang o “money makers” sa “Royal Family business.”
Si King Charles III ang naatasan na maging responsable sa mga naiwan ng yumaong si Queen Elizabeth II ang kanyang ina, ngunit kung pagtutuunan raw ng pansin, mas malaking kayaman na ‘di hamak ang kanyang pribadong mga ari-arian tulad ng tinatawag na “Duchy of Cornwall.”
Sa nakalipas na dekada, si King Charles ay bumuo ng grupo ng mga professional managers kung saan nakatulong ang mga ito na madagdagan pa ng 50% ang value at profits ng kanyang portfolio.
Batay sa pagtaya ang halaga umano ng yaman na mayroon si King Charles III ay nasa $1.4 bilyon mula sa kanyang mga ari-arian kumpara sa $949 milyon lamang na halaga ng private portfolio ng kanyang Ina.
Ang mga ari-arian ng mag-ina ay may kabuuan na halos $28 bilyon na itinuturing na porsyento pa lamang ng kanilang mga yaman.
Dagdag dito, may mga personal pang mga yaman ang kanilang pamilya na hindi na maaaring ihayag.
Bilang anak ng reyna, si King Charles na ang naatasang mamumuno sa United Kingdom at magmamana ng lahat ng naiwan na ari-arian at responsibilidad ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)